Thursday, March 31, 2011

Food: Fried Chicken at Suka

Sayang walang photo ito. Gamitin na lang ang imagination.

Isang bagong pritong manok, mainit-init pa. Malambot ang laman. Crunchy ang balat. (Wag na natin sabihing medyo mamantika.) Tapos isasawsaw mo sa tinimplang suka ng naglalako.

Yum!

First time kong magsawsaw ng pritong manok sa suka noong isang linggo, pangalawa ngayong gabi. Malay ko bang pwede palang gawing sawsawan ang suka para doon. Ang alam ko lang dati ketchup o kaya toyo at kalamansi. Nung tinanong ako ng nagtitinda kung lalagyan ng suka, natigilan ako tas sabi ko, "Sige." Well, libre naman, o kasama sa binayaran ko. Di ko naman pinagsisihan kasi ang sarap talaga nung manok at nung sawsawan.

Sabi ng officemate ko, pinakurat daw yung sukang iyon. Sabi ni manong kanina, tiniplang suka. O basta, anuman yun, masarap siya. Sinubukan kong gumawa ng sawsawan ko kanina kasi di ako nabigyan ni manong ng sawsawan. Suka at asin lang. Uhm, di kasingsarap ng sawsawan ni manong. ;(

Saan: Naglalako sa may PHILCOA (I know, medyo risk taker ako pagdating sa pagkain. Minsan lang naman....)

Presyo: P10-12 per piece, depende sa laki ng manok (Yung P10, cute. Pero kung gusto mong ulamin, at tipong may papapakin ka pa, dun ka na sa P12. Pero shempre, dalawa bilhin mo. Bitin pag isa lang.)

No comments:

Post a Comment