This post does not intend to convey any deep realization in life. I just want to write lots of things which happened today, or rather yesterday (it's past 12 midnight already).
I was able to finish checking the questionnaires I had to check. So I was able to go to the forum co-organized by our office on children in the urban environment. Yes!
Then, about 30 minutes before midnight, I was able to finally finish revising Chapter 1 of the long-overdue final report for one of our projects. Grabe, na-challenge ang writing, rewriting, editing, and sociological thinking skills ko (lahat na!), and I realized how much more I had to learn. Pero the point is, it's finally done! Four chapters na lang! Weeh!
The brewed coffee served by the caterer during the forum was super masarap. I definitely look forward to getting another cup tomorrow.
May slight damage na ang aking new black shoes! (If I'm not mistaken, this is only the third time I've worn them.) Siguro nagasgas yung balat niya sa paa ng tables nung bumangga ako. Buti maliit lang; hmm, try ko ngang gamitan ng black pentel pen :P
Bumili na ko ng ingredients para sa potato salad. Bakit potato salad? Kasi, nasasarapan ako sa kanya (gaya ng nasasarapan ako sa mashed potatoes). Tapos, madaling gawin. As in nag-download pa ko ng recipe kahapon, pang-simple potato salad lang. Tapos nung pauwi na, dumaan ako sa mga tindahan para mamili. Nabili ko na lahat, except for mayonnaise! Kamusta naman! Kasi namahalan ako, isang maliit na sachet, P30. So nagpunta ako sa kabilang tindahan. Same sachet, P33. Naisip ko, meron pa ata akong onting mayonnaise sa ref sa boarding house kaya umuwi na lang ako. Tapos, pagdating ko, lo and behold! Wala na pala. Lumabas ako at pumuntang Pan de Manila (o di ba, napaka-convenient ng location ng aming boarding house!), at sabi sakin wala rin siilang binebentang mayonnaise!
Big deal yan dahil ilang araw na kong nag-crave for it, tapos gusto ko talaga sanang gumawa, pang-alis na rin ng stress. Isa pa, wala akong biniling dinner! Kumain naman ako sa office ng 2 tocino at 1 egg, pero walang rice so kulang na kulang na kulang yun. Nauwi ako sa all-time favorite na pansit canton, tapos fried egg. Ngayon, gutom na naman ako.
Ano pa ba? Ah, kanina sa forum ang contribution ko ay magtake ng photos. Wala lang, nagenjoy ako. Parang gusto ko nang maging role yun palagi. Enjoy, chaka feeling ko may talent ako sa ganun. Hehe :P
Ano pa? Maraming mayor sa forum, so enjoy din. Yung iba sa kanila sobrang down-to-earth, di mo aakalaing mayor.
Sa forum kanina, naisip ko, ang dami ko pang pwedeng maicontribute sa ikauunlad ng bansa at ng mundo. (Naku, teka, papunta nanaman ako sa serious na topic.) Nakakabuhay ng loob at mga pangarap, when you find yourself amidst people whose heart and minds burn with the same desire. Ok, tama na.
Masarap ang food. Favorite ko ang beef with mushroom ng Jollibee, pero mas masarap yung beef with mushroom na sinerve kanina. Pati yung lemon grass iced tea. Ika nga ng isa sa mga boss namin, she chose that caterer on the basis of their lemon grass iced tea.
O siya, yan na muna. I need to rest. Mukhang I'd be manning the publication sales tomorrow during the forum. Or rather, later.
God, thank you for that day. Amen.