It's 1:30am. Sunday. I have just almost finished revising Chapter 1 of a report for work.
I still have several things I hoped to be able to finish by tomorrow, I mean today. Hmmm.
Sabi ko kanina sa officemate ko, kung ngayon palang ganito na ang schedule ko, how much more pag narating ko na position/status ng boss ko? What would my life be like?!
So yun ang rantings ko kanina. Honestly naisip ko na mag-asawa na lang kaya ako ng mayaman? Parang ayoko naman kasing all my life I will have to work hard, and even on weekends at times. What kind of life would that be!!! Pero shempre, knowing myself, masyado mataas ang pride ko so most likely, gugustuhin ko pa ring magtrabaho at kumita rin. At given na mainipin ako, malamang lang di ako tatagal as housewife.
Sabi sa isang video na napanood ko, be grateful. Isa raw yan sa mga paraan para maging masaya. At dahil nais kong sumaya, mageenumerate ako ng mga dahilan ba't ako masaya sa trabaho. Marami na kong nabanggit dito sa blog dati, kaya malamang daragdagan ko na lang.
Not everyone is given a job. I have one.
Not everyone is in a job in line with her interests. I am in mine.
I was given an opportunity to learn more about the career I wanted to try, para malaman ko kung ito nga ang gusto ko.
I was given mentors and a working environment where I can keep learning and enhancing my skills (kahit na minsan feeling ko ang standards ay langit at ang skills ko ay nasa lupa-level palang).
Tumataas naman ang sweldo ko kahit pano.
Lumalawak ang kaalaman ko sa mundo.
At marami pang iba, pero inaantok na talaga ako.
Bukas, susubukan, sisikapin ko, with all my heart and mind power, to wake up really early. I will try to get a few more things done. Para naman mabawasan na ang mga to do ko. Nabawasan na ang pagiging workaholic ko, pero sa ngayon kasi, natatambakan na ko ng work and the only way to minimize the stress is to get several things done and out of my list of to-do.
Pagkatapos, irereward ko siguro ang sarili ko. Pagkain? New haircut? Make-up? Hmm, pag-iisipan ko. :)
No comments:
Post a Comment