Tuesday, August 30, 2011

Life: Si Mama at ang Blush-on

Hindi kasi kasama sa hobby ko ang pag-make up. Pero dahil dumadami na ang mga pagkakataon na kailangang mag-makeup, at dahil paminsan-minsan feel kong maging girl, bumili na ako ng blush-on.

Tapos kahapon, bago umalis ng bahay, nakita ako ni mama na nag-aapply ng blush on. Maliit lang kasi yung brush which came with the set. Ang hirap mag-apply. Sabi ni mama sakin: "Hindi ganyan! Hindi pabilog. Dapat pataas," sabay kuha ng brush at siya na ang naglagay. Sabi ko nga, mali ang strokes ko ng brush.

Natawa lang ako sa itsura naming dalawa. Kung kailan ako malapit nang mag-30, chaka palang ako natututong mag-makeup. Actually nagreklamo rin siya sa lipgloss ko. "Ano ba yang lipstick mo, parang wala." Or something to that effect. Hindi pa rin ako sanay sa lipstick. Masaya pa ko sa lipgloss. Pag dumating na yung day na gumagamit na ko ng lipstick kahit di special occasion, yun, girl na girl na ko! :P

No comments:

Post a Comment