Grabe. Ang saya. Pero bago ko sabihin kung bakit, let me provide an introduction. Ganito kasi yun...
May dalawang bagay na, habang lumalaki ako, na-realize ko di ko forte. One was sports. The other was cooking. There had been times when I tried to be good at those things, pero my attempts failed. Siguro it also did not help that, when it came to cooking, ang daming critics during those few times na sinubukan kong magproduce ng something edible. Plus the fact na dahil impatient ako, or mahilig mag-mulitasking, nasusunog ang niluluto ko. And there were people at home who can cook anyway, so why bother to try?
So I grew up believing I can't do both.
Pero ngayong nasa boarding house ako, eh, medyo nagsasawa na ko sa mga nakakain ko. Mahal naman bumili ng food palagi. Tapos, maraming talipapa sa malapit. So what about giving cooking another try?
So today, sinubukan ko. First ever potato salad. May kodigo pa ako sa tabi. Oo na, potato salad lang. Kamuntik pang maging mashed potato. Pero masarap daw sabi ng housemates ko. Di ko rin forte kasi ang pagtitimpla, so super saya ko!
Hmm, susubukan kong mapasarap pa lalo sa susunod. Tapos, I'd also try something else.
Masaya matuto pag di ka pressured. At nakakaengganyo kapag successful ang mga nagagawa mo :D
No comments:
Post a Comment